Pumunta sa nilalaman

Althea Gibson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Althea Gibson
Althea Gibson in 1956.
Bansa Estados Unidos
Tangkad1.80 m (5 tal 11 in)
Mga larotennis
Isahan
Resulta sa Isahang Grand Slam
Australian OpenF (1957)
French OpenW (1956)
WimbledonW (1957, 1958)
US OpenW (1957, 1958)
Dalawahan
Resulta sa Dalawahang Grand Slam
Australian OpenW (1957)
French OpenW (1956)
WimbledonW (1956, 1957, 1958)
US OpenW (1957)

Si Althea Gibson (25 Agosto 1927 – 28 Setyembre 2003) ay isang Amerikanang manlalaro sa palakasan o isports na naging pinakaunang Aprikana-Amerikanang nakipagtunggali sa pandaigdigang patimpalak sa larangan ng tenis, at ang pinakauna ring nagwagi ng titulong Grand Slam noong 1956. Sa kanyang pag-ahon sa mundo ng tenis noong mga 1950, naging unang Aprikanang Amerikanang manlalaro siya na nakipaglaban sa mga pambansang mga laro ng tenis sa Estados Unidos. Nagwagi siya sa 56 na mga labanang pangtenis na kinabibilangan ng pang-isahang titulo ng Grand Slam.[1] Minsan siyang tinataguriang "ang Jackie Robinson ng tenis" dahil sa pagbali o pagwasak ng "hadlang sa kulay" ng balat. Kasapi si Gibson sa Alpha Kappa Alpha Sorority, Inc.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ The Christophers (2004). "Althea Gibson, A True Pioneer". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384., pahina para sa Setyembre 26.


TalambuhayEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.