Papa
| Obispo ng Roma | |
|---|---|
| Obispado | |
| Kasalukuyan: Papa Leon XIV | |
| Probinsiya: | Lalawigang Eklesyastiko ng Roma |
| Diocese: | Diyosesis ng Roma |
| Katedral: | Basilika ni San Juan de Letran |
| Unang Obispo: | San Pedro |
| Pagkakabuo: | Unang siglo |
| Website: | The Holy Father |
Ang papa ay ang obispo ng Roma at ang pinuno ng pandaigdigang Simbahang Katolika. Kilala rin siya bilang Kataas-taasang Pontipise, Pontipikeng Romano, o Pontipise. Mula ika-8 siglo hanggang 1870, ang papa ay nagsilbing pinuno ng Estadong Papal, at mula 1929 hanggang kasalukuyan ng mas maliit na bansang Lungsod ng Vaticano.
Sa pananaw ng Simbahang Katolika, ang pagiging pangunahing obispo ng Roma ay nanggaling sa kaniyang tungkulin bilang apostolikong kahalili ni San Pedro, na pinagkalooban ni Hesus ng mga Susi ng Langit at kapangyarihang “magbuklod at magkalag,” at itinuring na “bato” kung saan itatayo ang Simbahan.
Ang kasalukuyang papa ay si Leon XIV, na nahalal noong 8 Mayo 2025.
Etimolohiya ng titulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang papa ay hinango mula sa Griyegong πάππας na nangangahulugang "ama." Sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo, ang pamagat na ito ay inilapat lalo na sa Silangang Kristiyanismo sa lahat ng mga obispo at iba pang mga nakatatandang klero. Ito ay kalaunang nireserba sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang reserbasyong ginawa lamang opisyal noong ika-11 siglo CE.[1][2][3][4][5] Ang pinakamaagang tala ng paggamit ng pamagat na "Papa" sa kasaysayan ng Kristiyanismo ay sa namatay na Patriarka ng Alexandria na si Papa Heraclas ng Alexandria(232–248).[6] Si Papa Marcelino (namatay noong 304) ang unang Obispo ng Roma na ipinakita sa mga sanggunian na may pamagat na "Papa" na ginamit sa kaniya. Sa Kanlurang Kristiyanismo, si Papa Siricio na nagsilbing papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 384 CE - 398 CE ang pinaniniwalaang ang unang papang Katoliko Romano na gumamit ng pamagat na "papa" sa modernong kahulugan sa Simbahang Katoliko Romano. Bago nito, ang kaniyang pamagat ay payak na Obispo ng Roma. Pinaniniwalaan din ng ilan na si Papa Siricio ang unang gumamit ng pamagat na Pontifex Maximus. Gayunpaman, ayon sa ibang mga dalubhasa, ang pamagat na "Papa" ay galing sa simulang ika-3 siglo CE ay isang honoripikong designasyon na ginagamit para sa anumang obispo ng Kanlurang Kristiyanismo.[7] Sa Silangang Kristiyanismo, ang pamagat na "Papa" ay ginamit lamang para sa Obispo ng Alexandria.[7] Mula sa ika-6 siglo CE, ang kanseriyang imperyal ng Constantinople ay nagreserba ng designasyong ito para sa Obispo ng Roma.[7] Mula sa simulang ika-6 siglo, ito ay nagsimulang ilimita sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang kasanayan na matatag na inilagay sa ika-11 siglo nang ideklara ni Papa Gregorio VII ang pamagat na ito para sa Obispo ng Roma.
Kasaysayan ng kapapahan sa Simbahang Katolika Romana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinikilala ng mga Romano Katoliko ang Papa ng Simbahang Katolika Romana bilang kahalili ni San Pedro na ayon sa interpretasyong Romano Katoliko ng bibliya ay pinangalanan ni Hesus si Pedro na "pastol" at "bato" ayon sa