Kilometro
| kilometro | |
|---|---|
Ang haba ng Tulay ng San Juanico sa Silangang Kabisayaan, Pilipinas ay nasa 2.164 kilometro (7,100 tal; 2,164 m). | |
| Pangkalahatang impormasyon | |
| Sistema ng yunit | SI |
| Yunit ng | haba |
| Simbolo | km |
| Mga pagpapalit | |
| 1 km sa ... | ... ay katumbas ng ... |
| Ma batayang yunit ng SI | 1000 m |
| Mga yunit imperyal/mga yunit ng Estados Unidos | ≈ 0.62137 mi ≈ 1093.6 yd ≈ 3280.8 tal |
| mga yunit nautika | ≈ 0.53996 nmi |
Ang kilometro (simbolo sa SI: km), ay isang yunit ng haba sa Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit (SI) na katumbas ng isang libong metro. Ang kilo- ay ang unlapi sa SI na nangangahulugang 1,000. Ito ang pangunahing yunit na ginagamit sa pagpapahayag ng mga distansiya sa pagitan ng mga heograpikong lugar sa kalupaan sa karamihan ng mga bansa sa mundo; kabilang sa mga kapansin-pansing eksepsiyon ang Estados Unidos, Reyno Unido, at Liberiya, kung saan ginagamit ang milya.
Katumbas sa ibang mga yunit ng haba
[baguhin | baguhin ang wikitext]1 kilometro ≡ 1000 metro ≈ 3281 talampakan ≈ 1094 yarda ≈ 0.621 milya ≈ 0.540 milyang nautika ≈ 6.68×10−9 yunit na pang-astronomiya[a] ≈ 1.06×10−13 sinag-taon[b] ≈ 3.24×10−14 parsec
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pamamagitan ng isang kautusan noong Mayo 8, 1790, inatasan ng Pambansang Asembleyang Konstituwente ng Pransya ang Akademya ng mga Agham ng Pransya na bumuo ng isang bagong sistema ng pagsukat. Noong Agosto 1793, itinakda ng Pambansang Kumbensiyon ng Pransya ang metro bilang tanging sistema ng pagsukat ng haba sa Republikang Pranses. Ito ay ibinatay sa 1/10 milyon ng distansiya mula sa alinmang polo ng Daigdig hanggang sa Ekwador, kaya naging isang yunit na tunay na nakabatay sa pandaigdigang pamantayan. Ang unang pangalan para sa kilometro ay "millaire". Bagaman pormal na binigyang-kahulugan ang metro noong 1799, mas ginamit ang myriametre (10,000 metro) kaysa sa "kilometro" sa pang-araw-araw na paggamit. Ilang ulit lumitaw ang terminong myriamètre sa aklat ni Develey na Physique d'Emile: ou, Principes de la science de la nature (Pisika ni Emile: o, mga Prinsipyo ng Agham ng Kalikasan),[1] na inilathala noong 1802, samantalang isang beses lamang lumitaw ang terminong kilometre sa isang apendise. Ang mga mapa ng Pransya na inilathala noong 1835 ay may mga eskalang nagpapakita ng myriametres at "lieues de Poste" (mga liga ng koreo na humigit-kumulang 4,288 metro).[2]
Samantala, pinagtibay ng mga Olandes ang kilometro noong 1817 subalit binigyan ito ng lokal na pangalang mijl.[3] Noong 1867 lamang naging kilometer ang tanging opisyal na yunit ng pagsukat sa Olanda para sa 1,000 metro.[4]
Dalawang aklat-araling Aleman na inilathala noong 1842[5][6] at 1848[7] ay nagbibigay ng larawan ng paggamit ng kilometro sa Europa noong panahong iyon: ginagamit ang kilometro sa Olanda at Italya, samantalang ginagamit ang myriametre sa Pransya.
Noong 1935, opisyal na inalis ng Pandaigdigang Komite para sa mga Timbang at Sukat (CIPM) ang unlaping "myria-" at, kasabay nito, ang "myriametre", kaya naiwan ang kilometro bilang kinikilalang yunit ng haba para sa mga pagsukat na ganitong kalakihan.[8]
Ang simbolo ng kilometro na km ay isinusulat sa maliliit na titik at isinapamantayan ng BIPM.[9][10] Sa militar ng Estados Unidos, Reyno Unido, at Canada, ang klick ay isang salitang balbal na ginagamit para tumukoy sa kilometro.[11]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Develey, Emmanuel (1802). Physique d'Emile: ou, Principes de la science de la nature (sa wikang Pranses). Bol. 1. Paris.
- ↑ Map of the department of Hautes Pyrénées (Mapa). France Pittoresque (sa wikang Pranses). Laguillermie et Rambos. 1835. Nakuha noong 21 Setyembre 2012.
- ↑ Jacob de Gelder (1824). Allereerste Gronden der Cijferkunst [Introduction to Numeracy] (sa wikang Olandes). 's-Gravenhage and Amsterdam: de Gebroeders van Cleef. pp. 155–156. Nakuha noong 2 Marso 2011.
- ↑ "[News from] Nederland" (PDF). De Locomotief. Nieuws, handels en Advertentie-blad (sa wikang Ingles). 12 Agosto 1869. p. 2. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 27 Pebrero 2017.
- ↑ "Amtliche Maßeinheiten in Europa 1842" [Official units of measure in Europe 1842] (sa wikang Aleman). Nakuha noong 26 Marso 2011. Teksto bersyon ng aklat ni Malaisé.
- ↑ Ferdinand Malaisé (1842). Theoretisch-practischer Unterricht im Rechnen [Theoretical and practical instruction in arithmetic] (sa wikang Aleman). München. pp. 307–322. Nakuha noong 26 Marso 2011.
- ↑ Mozhnik, Franz (1848). Lehrbuch des gesammten Rechnens für die vierte Classe der Hauptschulen in den k.k. Staaten [Arithmetic textbook for the fourth class in the [Austrian] Imperial and [Hungarian] Royal states] (sa wikang Aleman). Vienna: Im Verlage der k.k. Schulbücher Verschleiß-Administration. Das Wegmaß. Nakuha noong 19 Hulyo 2013.
- ↑ McGreevy, Thomas (1997). Cunningham, Peter (pat.). The Basis of Measurement – Volume 2 – Metrication and Current Practice (sa wikang Ingles). Picton. ISBN 0-948251-84-0.
- ↑ "Kilometre". Oxford Learner's Dictionaries (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Nobyembre 2019.
- ↑ "The International System of Units (SI)" (PDF) (sa wikang Ingles). International Bureau of Weights and Measures (BIPM). 2019. pp. 147–149. Nakuha noong 8 Enero 2020.
- ↑ "MARINE CORPS JARGON" (PDF) (sa wikang Ingles). hqmc.marines.mil. Nakuha noong 3 Marso 2017.