Posts

Showing posts with the label Blog

Update-update Din Pag May Time

Image
Andaming update na nangyayari sa mundo, blog ko na lang ang wala pa. May mga naihalal na pala na mga bagong Senador. Patay na pala si Bella Flores. Bumisit pala si Sarah Jessica Parker sa Pinas at nag ribbon cutting sa SM Aura. Hiwalay na pala si Ai Ai Delas Alas at ang kanyang bagong asawa. Akalain mo yung kakakasal lang last month hiwalay agad? Ang daming update sa mundo. Blog ko na lang ang wala pa. Loser. Ipagpaumanhin niyo po sa hindi ko pag update sa blog na ito. Naging busy lang po sa trabaho at mga bagay na kailangan bigyan ng pansin. Mahalagi sa akin ang blog na ito. Kaya kahit na busy ako sa buhay ko eh bumibisita pa din ako dito. At nagbobloghop din ako, di nga lang halata. UNA, dahil sa opisina ako ng boblog at naka block ang mga blog dito lalo na pag hindi naka dot com (haha..racist kasi IT namin dot com lang ang pwede bukas..joke!). PANGALAWA, pag nagplano ako mag blog sa bahay nakakatulugan ko na lang ang laptop nang hindi ko namalayan. ...

Where Art Thou Kulitis, The Podcast?

Image
Remember Kulitis?  Wala lang naalala ko lang siya. LOL. Well, bigla ko lang naisip kung nasaan na siya at hindi na nakapag update ng blog niya na nakakatuwa. Nag blog hop kasi ako ngayon at bigla ako napadaan sa blog niya na Kulitis, The Podcast . Naalala ko lang na ako pala ang unang na feature sa blog niya. Nakakatuwang pakinggan at balikan lang. Pero hindi talaga ako si Kulitis gaya ng haka-haka ng ibang blogger friends ko. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung sino siya. Pramis! Minsan napadpad ako sa lugar na Puerto Galera. Sa wakas nabigyan ng pagkakataon na makita ko siya at makilala. Kaya pala di na nag-uupdate ng podcast itong si Kulitis ehh naging bangkero pala siya. LOL.  Ayaw niyo maniwala? Heto ang ebedensiya.... Kaso di ko pa rin siya nakita sa bangka. Mailap lang talaga siya. Hahaha. Peace to you Kulitis kung mababasa mo ito. Mag podcast ka na. Madami nang bagong kwento sa blog ko. LOL. Ciao!

Ang Damuhan, Ang BnP, at Ako

Image
Nakakatuwang isipin na ang pinaghirapan mong kwento ay mapansin, purihin, at mabigyan ng karangalan lalong-lalo na kapag galing ito sa mga kapwa mo blogero. Sa totoo lang plastik kung sabihin ko na hindi ko naman hinangad na mabasa ng nakararami ang aking mga sinusulat sa blog na ito at hindi ko hinangad na sana ay maraming mag comment sa post ko, o di naman kaya ay purihin ang gawa ko. Kahit sino naman sigurong manunulat ay hinangad na mabasa ang pinaghirapan natin diba? Kaya Oo! Kailangan ko ang kunting awa niyo.. Mag comment naman kayo sa mga post ko. Utang na loob! Lol. Kidding aside...( minsan lang ako magpatawa..Waley pa! ) Unang-una, personal blog ito; dapat ay patungkol sa sarili at sa mga kalokohan ko ang mga nakasulat dito. Pero gaya ng wika dynamic din ang utak ng isang tao. Pangalawa, hindi ako mahilig magsulat ng mga kwentong gaya ng entry ko. Marahil sa haba ng panahon ay nagbago na ang pamamaraan ng pagsusulat ng isang blogero. Gaya ko na hindi mahilig magsulat...

Si Kamahalan, ang PBO, at mga bagong Kaibigan

Image
UPDATE: Dahil sa marami ang naghahanap ng photos. Ayan na! Hiram ang mga larawan kay AXL at Mar. Ahemmmm! Noong nakaraang biyernes ay naimbitahan ako sa isang eyeball ng mga kapwa ko blogero. Noong una ay nagdadalawang isip ako dahil unang una may pasok ako sa araw na iyon dahil sa panggabi ang pasok ko at 6pm ko sila dapat kitain ay nag say "no" muna ako; pangalawa dahil sa mga isa or dalawa lang ang kakilala ko sa mga magmimeet medyo dyahe ako. Tahimik kasi ako sa personal. Lol. Pero dahil sa pagpursige ni kamahalan na itago na lang natin sa pangalang Arvin ng  www.archiviener.com (na ang blog niya ay for invited readers na ngayon at di ko na nababasa..may pinagtataguan ata..LOL) ayy napilit ako sa isang kondisyon... Kailangan niya kami pasalubungan ng starbucks tumbler from Singapore.. Duk! Syempre gusto ko talaga mameet sa personal si Arvin dahil sa matagal na din naman kaming magkakilala at isa siya sa masugid na magcomment sa mga post ko sa blog na ito kahit n...

ELEMENTALIA: Gintong Bakal na Pluma

Image
Borrowed photo from google PAUNANG SALITA: ANINO AT PANAGINIP Nagising si Daina sa loob ng isang kweba na walang saplot at duguan. Isang maliit na puting tela ang tanging  nakabalot sa kanyang hubad na katawan. Sa di kalayuan kung saan siya nagkamalay ay natanaw niya ang katawan ng ibat ibang uri ng nilalang na di niya pinagkilanlan. Nabalot siya ng takot kaya pinilit niyang tumayo para usisain kung ano ang nangyari sa kapaligiran. Habang iniikot niya ang kaloob-looban ng kweba ay nakarating siya sa isang bukal na ang tubig ay kasing linaw ng salamin kaya naisipan niyang linisin ang dugo sa kanyang katawan. Habang naglilinis siya ay bigla siyang nakarinig ng boses ng isang babae mula sa bukal. "Gising ka na pala Daina." Sambit ng boses.  "Ha? Sinong andyan?" Ang utal na sagot ni Daina. "Hindi mo ba ako nakikilala?" "Sino ka ba? Magpakita ka sa akin." Ang kabadong sambit ni Daina. "Tumingin ka sa bukal. Makikita mo kung...

Officially Launching The Other Side of Me

Image
Para lang sa ikauunlad ng ating bansa ay ipinagbubunyi ko at ipinagmamalaking ihandog ang ating photo blog-blogan. Opisyal kung ilalaunch ang blog na ito para naman mailagay ko ang aking walang kwentang kuha na mga larawan. Maraming salamat sa pagbisita at pagsuporta. Maaring puntahan ang blog sa link na ito: http://www.inkedlens.com/ ISANG PAALALA: Ang inyong makikita sa link na nasa itaas ay purong kabastosan kuha at gawa ko. Maaring mag comment at magbigay ng suhistyon para maipabuti ang pagkuha ng mga sunod na larawan.  Hindi pa masyadong ayos ang blog at ang ibang links ay hindi pa gumana, kaya ipagpaumanhin ninyo. Paki follow na lang po sa mga gusto at sa mga ayaw naman, eh di wag! Lols. Joke lang! Maraming Salamat!!!

Paglalakbay sa Byahe ng Buhay

Image
Patuloy ang byahe ng buhay Dala ay pag-asa sa ating paglakbay Sa bawat hampas ng alon Tiwala na tayo ay makakaahon  Sa hirap ng buhay tayo ay babangon Makakarating din tayo Kung saan ang paraiso ay naroon.  Ang larawan sa itaas ay kuha noong Marso 2012 sa Pearl Farm Beach Resort, Davao City. Ang larawan na ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards Year 4        

Way Back Home

Urgh! Am I really back in blogging? Yes.. I finally found my way back and start doing what I really love. It has been how many months that I didn't do this. I honestly don't know what happened but I just came to a point that I got tired in blogging. It actually eats up my time. Time that I should spend in going out and enjoy the real world. But look at me, I'm blogging again and doing what I really like and love. Naks! Just a little update about myself. Things that happened in my life while I am away from blogging.  I am jobless. Again! I am now 31 years old. Wahahaha I had my first travel outside the country in Thailand. Travelled to Boracay. Experience the Underground River in Puerto Princesa, Palawan So there, yun na lang muna. I promise to post and update this blog the best I can. :)

Pagsuporta sa TABA

Image
  Ang post na ito ay bilang pagsuporta sa The Annual (KALSADA) Blog Awards. Bakit nga ba Kalsada ang tawag dito. Pakibasa na lang po sa link na ito: Kalsada Fast Forward ko na lang po sa aking iboboto, narito po: Best Blog Design - Joel ng Batangmangyan.com Best English Blogger of the Year - Si DB ng DesoleBoy . Wala nang nakakatalo sa nakakanosebleed na blog niya. Try nyong basahin. Best Filipino Blogger of the Year - si Sir Mots ng Teacher's Pwet Photoblogger of the Year - Si Jaypee ng Jaytography Pinaka-bibong Blogger of the Year - si Jason pa rin ng JasonHamster Pinakateking Blogger of the Year - walang iba kundi ang TARAGIS ni Bon Talampas at pwede isa pa? Si Ben ng Bennixville . Pinakafashionistang Blogger of the Year - si Steph ng Traveliztera :D Pinakagalanteng Blogger of the Year - si Bino ng Damuhan So there!

Unfortunate Events in Iloilo

Image
Larawan galing kay Bino Wala naman talagang unfortunate events nung trip kosa Iloilo... Buong akala ko hindi ako aabot sa scheduled flight ko papuntang Iloilo dahil sa kailangan kong manatili sa opisina hanggang alas dos ng madaming araw noong Novemver 4. Malas ko lang! Pero dahil sa mabait ang boss ko, she let me leave the office at 12Am. Swerte pa din! Paglabas ko ng opisina ay medyo may kalakasan ang ulan. Halong kaba at saya ang aking nararamdaman. Kaba na baka lumakas ang ulan at magkaroon ng aberya sa paliparan o di naman kaya ay mismo sa paglipad ng eroplano. Saya dahil sa makikita ko na naman ang mga kaibigan ko sa blogging at makakakilala ng mga bagong kaibigan. NAIA Terminal 3.. Here I come... Pagdating ko sa paliparan ng Ninoy Aquino International Airport, nakita ko agad sina Bino , John , Mark Brian and Berlim na naghihintay sa akin bago sila mag check in ng bagahe. Habang kinakapa ni Manong Guard ang aking katawan (for security purposes ...

Fierce Mistress is on Kulitis, The Podcast

Image
I was in the office busy doing my daily routine when a blogger friend of mine sent me a message telling me that my post "Return to Sender: Fierce Mistress" was featured in Kulitis, The Podcast.   At first, I was clueless about it since I havent been blogging for a week maybe. But as he keeps on telling me about it and what is it about, I was so amazed that this post was featured by a blogger (the blog mentioned above). I really dont know who Kulitis is but I really appreciate it. It really funny how you did it. Parang nasa radyo lang. Bwahaha.. If you want to listen here is the link: http: //vimeo.com/30673707 of you can check Kulitis, The Podcast . Cheers. Hope ma feature mo yung ibang post ko Kulitis.  Thanks ng marami! At dahil dyan heto at may sariling post ka to show how I appreciate it. 

Blogapalooza Experience

Image
I was doing my daily blog hop one time when I saw the logo on the side. I got curious and ask the owner of that blog if what is that logo all about. He then told me to register for the upcoming event. I really don't have any idea what is it all about until I check there website and all questions and hesitations have been answered. I immediately registered and then the next day I received an email from Vincent Golangco telling me that they are formally inviting me to be part of the Blogapalooza. The event was held at Fully Booked Bonifacio High Street last September 17, 2011. There were 150 bloggers on the said event and about 50 Partners, Sponsors and Presenters on that day. I am with my blogger friend and we arrived at the venue 30 minutes ahead of time and because of that we were lucky to have a Planner from Aquabest which is one of the Presenters on that day. Below are the Sponsors and for the very first Blogapalooza.   During the event each presenters where...

Bunso, Pahiram ng Laruan

Image
PAALALA: Ang kuwento sa ibaba ay isang gawain ng makulit na imahinasyon. Ang mga karakter, pangyayari at dyalogo ay iginuhit mula sa imahinasyon ng may akda at hindi nangangahulugan na makatotohanan. Ano mang pagkakahawig sa aktwal na kaganapan o tao, buhay man o patay, ay sadyang hindi sinasadya. Isang garapong holen na may ibat ibang disenyo at kulay ang nakita ni Ariel na nakatago sa sulok ng tokador. Nahumaling ito sa masasaya at kaakit-akit na kulay kaya't kinuha niya ito at pinaglaruan. Masayang pinaglalaruan ni Ariel ang mga holen na tila ba ay wala nang bukas. Alam niya na ang garapon ng holen ay pagmamay-ari ng kanyang kuya na si Rhuel. Mahilig mangolekta ng holen na may ibat-ibang disenyo, kulay at laki si Rhuel. Isang garapon na ang koleksyon niya kaya hindi niya ito basta basta nilalabas sapagkat mahalaga sa kanya ang mga ito.  "Nay, nakita mo po ba ang mga holen ko sa tokador?" Ang pagalit na tanong ni Rhuel sa kanyang Ina na nagluluto sa kusina.  ...

Panganganinag Ng Isang Pangarap

Image
Nagising ako sa sinag ng araw na dumampi sa aking mga pisngi. Maganda at maaliwalas ang panahon kaya naisipan kong bumangon ng maaga, magkape at tumambay sa labas ng aming bahay. Dumiretso ako sa isang duyan na tambayan naming magkakapatid noong mga bata pa kami. Habang nakaupo sa duyan at hawak ang isang mainit na tasa ng kape, bumalik sa aking alaala ang panahon ng aking  kamusmusan. Sa mismong duyan na ito nagumpisa ang aming tawanan, kulitan at magdamagang kwentuhan. Minsan sa isang usapan naming magkakapatid natanong ni Mama kung ano ba daw ang pangarap namin sa buhay. Si Kuya nangarap na maging seaman. Ang aking kapatid na babae ay nangarap na maging isang nurse at yung isa naman ay teacher. Ako? Simple lang ang pangarap ko, ang maiahon sa buhay ang aking pamilya, ang matulungan ang aking mga magulang sa gastusin sa pagpapaaral ng bunsong kapatid ko at maibigay sa aking pamilya ang buhay na masagana. Humigop ako ng kaunting kape at humiga sa duyan habang pinagma...