Pumunta sa nilalaman

Feltre

Feltre
Comune di Feltre
Ang Katedral ng Feltre
Ang Katedral ng Feltre
Eskudo de armas ng Feltre
Eskudo de armas
Lokasyon ng Feltre
Map
Feltre is located in Italy
Feltre
Feltre
Lokasyon ng Feltre sa Italya
Feltre is located in Veneto
Feltre
Feltre
Feltre (Veneto)
Mga koordinado: 46°01′07″N 11°54′36″E / 46.01861°N 11.91000°E / 46.01861; 11.91000
BansaItalya
RehiyonVeneto
LalawiganBelluno (BL)
Mga frazionesee list
Pamahalaan
 • MayorViviana Fusaro
Lawak
 • Kabuuan99.79 km2 (38.53 milya kuwadrado)
Taas
325 m (1,066 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan20,608
 • Kapal210/km2 (530/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarFeltrini
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
32032
Kodigo sa pagpihit0439
Santong PatronSan Victor at Santa Corona
Saint dayMayo 14
WebsaytOpisyal na website

Ang Feltre (Bigkas sa Italyano: [ˈfeltre] Venetian: Fèltre) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Belluno, rehiyon ng Veneto, hilagang-silangang Italya. Isang bayan sa burol sa katimugang bahagi ng lalawigan, ito ay matatagpuan sa Ilog Stizzon, mga 4 kilometro (2 milya) mula sa sangandaan nito sa Piave, at 20 km (12 mi) timog-kanluran mula sa Belluno. Matatagpuan ang Dolomitas sa hilaga ng bayan.

Panorama ng Feltre sa taglamig

Ang isang lugar na kinabibilangan ng Feltre at 12 magkakatabing munisipalidad ay kilala bilang Feltrino [it]. Noong 2014, ang lugar ng Feltrino ay pormal na ginawang Unione Montana Feltrina (Komunidad ng Bundok ng Feltrino).

Kilala ito noong panahon ng mga Romano bilang Feltria at inilarawan bilang isang oppidum ni Plinio,[3] na nagtalaga ng pundasyon nito sa tribong Alpino ng mga Raeti. Nakuha ng lungsod ang katayuan bilang municipium noong 49 BK nang ang mga mamamayan nito ay isinama sa tribong Romano ng Menenia. Sa kabila ng mahigpit na klima nito, na nagtulak sa isang Romanong awtor, marahil kay Caesar, na sumulat:

Feltria perpetuo niveum damnata rigore Atque mihi posthac haud adeunda, vale [4]

Ang Feltria ay nasa isang Romanong kalsada na nabanggit sa Itineraryong Antonino bilang daan mula Opitergium (Oderzo) na dumadaan sa Feltria hanggang Tridentum (Trento).[5]

Mga frazione: Anzù, Arson, Canal, Cart, Cellarda, Croci, Farra, Foen, Grum, Lamen, Lasen, Mugnai, Nemeggio, Pont, Pren, Sanzan, Tomo, Umin, Vellai, Vignui, Villabruna, Villaga, Villapaiera, Zermen.

Mga kakambal na bayan – mga kinakapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kakambal ng Feltre ang:[6][7]

 

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ Among Rhaetica oppida in Natural History iii, 130, amending Fertini to Feltrini.
  4. ↑ "Feltria, condemned to the rigor of eternal snows, from me too, who henceforth will scarcely approach you, Farewell!"
  5. ↑ William Smith, A Dictionary of Greek and Roman Geography, s.v. "Feltria".
  6. ↑ "Migrazione e integrazione nel convegno internazionale tenuto a Feltre". marcopologeie.eu (sa wikang Italyano). Feltre. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-28. Nakuha noong 2020-05-22.
  7. ↑ Dudelange (pat.). "Villes jumelées". dudelange.lu (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-09-02. Nakuha noong 2020-05-22.
[baguhin | baguhin ang wikitext]