Lerici
Lerici | |
|---|---|
| Comune di Lerici | |
Lokasyon ng Lerici | |
| Mga koordinado: 44°04′35″N 09°54′40″E / 44.07639°N 9.91111°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Liguria |
| Lalawigan | La Spezia (SP) |
| Mga frazione | San Terenzo, Tellaro, La Serra, Pugliola, Solaro, Muggiano, Pozzuolo, Venere Azzurra, Senato |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Leonardo Paoletti |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 15 km2 (6 milya kuwadrado) |
| Taas | 0 m (0 tal) |
| Tawag sa tagalugar | Lericini |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 19032, 19036, 19030 |
| Kodigo sa pagpihit | 0187 |
| Santong Patron | Madonna ng Maralunga |
| Saint day | Marso 25 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Lerici (Ligurian: Lerxi, lokal na Lerze[1]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng La Spezia, rehiyon ng Liguria, hilagang-silangang Italya, bahagi ng Riviera ng Italya. Ito ay matatagpuan sa baybayin ng Golpo ng La Spezia, 8 kilometro (5 mi) timog-silangan ng La Spezia. Ito ay kilala bilang lugar kung saan nalunod ang makatang si Percy Bysshe Shelley. Ang bayan ay konektado sa pamamagitan ng lantsa papunta sa Cinque Terre at Porto Venere.
Isa sa mga pangunahing tanawin ng Lerici ay ang kastilyo nito na mula noong unang pagkakatatag nito noong 1152 ay ginamit upang makatulong sa pagkontrol sa pasukan ng Golpo ng La Spezia. Sa loob ng mahabang panahon, ang kastilyo ay naglalaman ng isang museo ng paleontolohiya na inspirasyon ng isang lokal na binata (Walter) na nakatuklas ng mga buto ng dinosaur sa rehiyon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pinagmulan ng bayan ay nagsimula pa noong panahon ng Etrusko. Noong Gitnang Kapanahunan, ang bayan ay nasa ilalim ng kontrol ng mga Genoves. Matapos itong ibenta sa Lucca, nasangkot ito sa isang serye ng mga tunggalian sa pagitan ng Genova at Pisa, dahil ito ay nasa kanilang karaniwang hangganan. Noong 1479, ang bayan ay tuluyang sumailalim sa pamamahala ng Genoves.
Mga tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Italian author na si Mario Soldati ay may tirahan sa frazione ng Tellaro.
Ang Italyanong pintor na si Oreste Carpi ay gumugol ng maraming taon sa San Terenzo sa paggawa ng daan-daang mga ipinintang larawan at mga guhit na nagpapakita ng mga tanawin ng bayan.
Kakambal na bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mougins, Pransiya, simula noong Oktubre 26, 2008
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Frisoni, Gaetano [sa] (1910). Dizionario Genovese-Italiano e Italiano-Genovese (sa wikang Italyano). Genoa: Nuova Editrice Genovese.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- No URL found. Please specify a URL here or add one to Wikidata. (sa Italyano)
- Official website of Lerici Coast Tourism Board
- Lerici Castle