Pumunta sa nilalaman

Montecchio Maggiore

Montecchio Maggiore

Montécio Majore
Comune di Montecchio Maggiore
Tanaw ng Montecchio Maggiore
Tanaw ng Montecchio Maggiore
Lokasyon ng Montecchio Maggiore
Map
Montecchio Maggiore is located in Italy
Montecchio Maggiore
Montecchio Maggiore
Lokasyon ng Montecchio Maggiore sa Italya
Montecchio Maggiore is located in Veneto
Montecchio Maggiore
Montecchio Maggiore
Montecchio Maggiore (Veneto)
Mga koordinado: 45°30′N 11°25′E / 45.500°N 11.417°E / 45.500; 11.417
BansaItalya
RehiyonVeneto
LalawiganVicenza (VI)
Mga frazioneAlte Ceccato, Bernuffi, Ghisa, Santissima Trinità, Sant'Urbano, Valdimolino, Carbonara
Pamahalaan
 • MayorSilvio Parise: centre-left coalition: Insieme X Montecchio, Parise Sindaco 2024, Montecchio Democratica
Lawak
 • Kabuuan30.54 km2 (11.79 milya kuwadrado)
Taas
72 m (236 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan23,316
 • Kapal760/km2 (2,000/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarMontecchiani
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
36075
Kodigo sa pagpihit+39 0444
Santong PatronSan Vitale
Saint dayPebrero 8
WebsaytOpisyal na website

Ang Montecchio Maggiore (Venetian: Montécio Majore) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Vicenza, rehiyon ng Veneto, hilagang-silangang Italya. Ito ay matatagpuan humigit-kumulang 12 kilometro (7 milya) sa kanluran ng Vicenza at 43 km (27 milya) sa silangan ng Verona; dumadaan dito ang SP 246 na kalsadang panlalawigan.

Ang Montecchio Maggiore ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Altavilla Vicentina, Arzignano, Brendola, Castelgomberto, Montebello Vicentino, Montorso Vicentino, Sovizzo, Trissino, at Zermeghedo.

Ang lupain ng Montecchio Maggiore ay tinirhan na simula pa noong huling bahagi ng Panahon ng Bato, bagaman maraming beses itong sinalakay at sinakop. Dalawang kastilyong itinayo noong mga 975 ang sinasabing inspirasyon para sa alamat nina Romeo at Julieta. Itinakda ni Luigi da Porto ng Vicenza ang kuwento dito sa kaniyang nobela noong 1552.

Mga pangunahing tanawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Villa Cordellina Lombardi, ay isang obra maestra ng neo- Palladian na arkitektong si Giorgio Massari, na may mga 18th-century fresco ni Giovanni Battista Tiepolo.
  • Museo Zannato, na itinatag noong 1922 ni Giuseppe Zannato, ang unang tagapangasiwa nito. Mayroon itong mga seksiyon na nakatuon sa mga natuklasang arkeolohiko at paleontolohikal. Ang ilan sa mga ito ay naglalaman ng mga materyales na matatagpuan sa nekropolis ng Carpanè noong huling bahagi ng panahon ng mga Romano. Mayroon ding mahalagang seksiyong hemolohiko.
  • Kastilyo ng Bellaguardia (tinatawag na "Kastilyo ni Juliet")
  • Castello della Villa (tinatawag na "Kastilyo ni Romeo")

Ugnayang pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Montecchio Maggiore ay kakambal sa:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ "Alton Town Twinning Association". Hampshire County Council. May 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-13. Nakuha noong 2013-07-25.

Mga pinagkuhanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Giambattista Tiepolo, 1696-1770, isang buong tekstong katalogo ng eksibisyon mula sa The Metropolitan Museum of Art, na kinabibilangan ng materyal tungkol sa Montecchio Maggiore
[baguhin | baguhin ang wikitext]